Coach Dandan iniwan ang PBA para bumalik sa UP Maroons

NAGBITIW si coach Ricky Dandan sa kanyang responsibilidad sa Columbian Dyip sa PBA upang balikan ang kanyang pangako sa Alma Mater na University of the Philippines (UP) Fighting Maroons na maging kampeon sa UAAP.
Si Dandan, na ikatlong head coach ng prangkisa sa PBA, ay nagbitiw sa kanyang trabaho Lunes ng gabi.
Ipinaliwanag ni Dandan sa kanyang sulat na kailangan niyang pagtuonan ng pansin ang kampanya ng Maroons sa nalalapit na UAAP Season 81 men’s basketball tournament.
“Since January I have focused all of my efforts full time as head coach of Columbian and, when time permitted, I attended the practices of the UP men’s basketball team,” sabi ni Dandan sa ulat ni Matthew Li ng TieBreaker Times.
“My personal decision now is to concentrate all of my attention, effort, and energy full time on helping coach Bo Perasol and the UP Fighting Maroons in our quest for the Final Four this forthcoming UAAP season.”
Kasalukuyan naman na papaangat ang direksyon ng UP sa ilalim ni Perasol katulong si Dandan.
Pagpasok ni Perasol sa unang taon nito sa Fighting Maroons bilang chief tactician ay napagtapos nito ang UP sa 5-9 record noong Season 79. Umakyat ang record nito sa 6-8 sumunod na taon na isang buong larong napag-iwanan sa pumang-apat na FEU.
Umaasa sina Perasol at Dandan na sa kumpleto nitong komposisyon kasama ang transferee na si Bright Akhuetie at JD Tungcab pati na pag-recruit kay David Murell at Evyn Santiago habang lalaro sa huli nitong taon si Gilas cadet member Paul Desiderio ay makakatuntong ang Fighting Maroons sa Final Four sa unang pagkakataon sa huling 20 taon. —Angelito Oredo

Read more...