Sue tibo raw: Kung totoo nga, masama ba?

NAIMBIYERNA na ang Kapamilya actress na si Sue Ramirez sa mga taong pa-tuloy na nagdududa sa kanyang tunay na pagkatao.

Sa social media kasi, ayaw pa rin siyang tantanan ng mga netizen sa pagkuwestiyon sa kanyang sexual preference. Tomboy daw siya.

Mas lalo pang pinagdudahan ng ilang bashers ang kanyang pagkababae matapos ibandera sa Instagram ang bago niyang hairstyle na “nakakalaki” raw.

Mukhang na-bad trip na si Sue sa isyung ito kaya nag-tweet na siya ng, “Why did you cut your hair? Are you a lesbian?’ such a stupid question. Is that how we base sexual orientation now? Hairstyle? Really (sic).”

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Nagdududa na daw sila. Wow. Duda talaga? Ano to? Krimen? Kasalanan? E kung totoo nga? Ano naman? Masama ba?”

Wala raw issue ang dalaga sa LGBT community, naiinis lang daw siya sa mga taong ibinabase lang sa hilig at itsura ang sexuality ng isang tao.

“I am not offended to be called or asked if I am lesbian. There’s nothing wrong with being so. I just hate how people judge sexuality so easily nowadays. Stop assuming over meaningless sh**t,” aniya pa.

Read more...