Natsitsismis na beking aktor may ‘ka-date’ na tisoy sa mall

BIHIRA naming mainterbyu ang kilalang aktor kaya hindi kami sigurado kung kilala o natatandaan niya kami bukod pa sa madalas namin siyang makita sa isang coffee shop kasama ang kanyang mga kaibigan.

Nitong Martes ng gabi ay nasalubong namin siya sa Promenade, Greenhills na may kasamang lalaking tisoy na hindi pamilyar sa amin.

Pero nu’ng malapitan na ay parang nag-iba ang kilos ng aktor na nakatingin sa amin habang nagsasalita ang kasamang tisoy. Inisip na lang namin na baka namukhaan niya kami at nailang.

Bigla tuloy naming naalala ang tsikahan ng mga katoto na nagdududa sa sekswalidad ng aktor dahil nga hanggang ngayon ay wala siyang girlfriend maski na sinasabing may nililigawan siyang aktres sa kanilang TV network.

Anyway, natanong din ang aktor kung aware ba siya sa tsismis tungkol sa kanyang pagkalalaki, oo raw. Pero kilala naman daw niya ang sa-rili niya kaya dedma lang siya sa gay issue.

Marunong umarte ang kilalang aktor ngunit hindi lang nabibigyan ng tamang project dahil mas inuuna ng TV network ang mga paborito nila.

Anyway, may pakiramdam din kami na malabong mag-out ang kilalang aktor dahil sabi nga ng aming patnugot dito na si bossing Ervin, “Feeling ko struggling siya to be straight kasi conservative ang family niya.”

Read more...