Horoscope, June 26, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Huwag mong madaliin ang lahat! Hayaan mo lang maganap ng kusa ang mga pangyayari. Sa pinansyal at pag-ibig, sa kasalukuyan gumagawa pa ng sariling paraan ang tadhana upang ikaw ay lalo pang mapabuti at lumigaya. Mapalad ang 4, 16, 28, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Just go with the flow.” Yellow at black ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Sa pinansyal tuloy-tuloy lang ang agos ng salapi papasok sa iyong kabang-yaman. Panahon na upang magtabi ng magtabi ng maraming pera at iwasang gumastos ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, sumunod sa mungkahi ng kasuyo upang lalo pang lumawig ang pagmamahalan. Mapalad ang 3, 12, 27, 26, 35, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yod- He-Vau-Weh.” Orange at blue ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Upang patuloy na umunlad at lumigaya, magtiwala sa kasuyo! Sa ngalan ng pag-ibig, kusang uunlad ang kabuhayan, kasabay ng paglago ng romantiko at pang habang buhay na relasyon. Mapalad ang 6, 12, 18, 27, 33, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Violet at white ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Hindi ka magiging maligaya kung hindi paiiralin ang praktikalidad. Sa pamamagitan ng talino uunlad ka. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipag-relasyon sa isang gusgusing Aquarius. Mapalad ang 7, 13, 23, 37, 43 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kesar-Khangaya-Om.” Silver at black ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Ito ang araw na dapat na lakasan mo ang iyong loob. Kung susugod ka at hindi matatakot, malaking pag-unlad ang noon pa ay inilaan na sa iyo ng kapalaran. Gumawa ng paraan upang mapaligaya ang sarili at ang kasuyong Scorpio. Sa pinansyal, tuloy ang pasok ng maraming pera basta’t lagi mo lang paiiralin ang lakas ng loob. Mapalad ang 2, 7, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiri-Om.” Green at beige ang buenas.

Leo – (July 23 – August 24)— Unahing kumbinsehin ang mga taong nakapaligid sa iyo, kikita ka ng malaking halaga sa kanila. Sa pag-ibig, laging purihin ang magagandang katangian ng kasuyo upang ma-appreciate niya ang kanyang tunay na halaga. Mapalad ang 5, 8, 14, 19, 32, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Quando-Et-Cui-Om-Aum.” Gold at pink ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Magkakaroon ka ng kakaibang kaugnayan sa bagong kakilala. Mag-ingat sa isang immoral na relasyon. Sa pinansyal, ibuhos ang buong pagtitiwala sa sariling kakayahan upang ikaw ay yumaman. Mapalad ang 8, 14, 19, 28, 33, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jaya-Ritum-Aum.” Violet at blue ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Wag maging isip bata. Sikapin maging matured upang lumigaya. Sa pananalapi, ang ibig sabihin ng “financial maturity” ay simple lang, unahin ang pagse-savings bago gumastos at hindi rin dapat bilin ang mga bagay na hindi naman talaga kailangan. Mapalad ang 1, 6, 19, 28, 30, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Maroon at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Ituloy mo lang ng ituloy ang mga bagay na naiisip mo. Malapit na malapit ka ng umunlad ng umunlad hanggang sa tuluyang yumaman. Sa pag-ibig, manatili sa iisa at dati ng minahal. Sa pinansyal, sundin ang tinitibok ng iyong puso, malaking halaga ng salapi ang papalapit na ng papalapit. Mapalad ang 3, 18, 21, 30, 38, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Red at silver ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Ito ang araw na lalo pang lalago ng lalago ang kabuhayan, kaya ito rin ang araw upang mag-ipon at magtabi ka ng pera para sa future at sa mga biglaang pangangailangan. Sa pag-ibig, tuloy ang panga-under sa minmahal, dahil ang totoo mas mahusay at mas magaling ka naman talaga sa kanya. Mapalad ang 6, 13, 22, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Una-Salus-Una-Aum.” Lilac at violet ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Sa pag-ibig may suwerteng hatid ang halik at yakap ng isang Cancer. Hanapin mo na siya ngayon! Sa pinansiyal, iwasang ubusin ang salapi sa pagkain sa halip mag ipon ng mag-ipon hanggang sa dumami ng dumami ang savings. Mapalad ang 5, 17, 24, 44, 46 at 48. Mahiga mong mantra: “Klan-Kun-Shadi-Om.” Purple at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Gumawa ng bagong gimmick na ikasasaya ng iyong kasuyo upang wag manatiling boring ang relasyon. Sa pinansyal, isang inobasyon ang kailangan upang mapalaki pa ng husto ang kinikita. Mapalad ang 4, 18, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Certum-Est-Om.” Beige at white ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Itigil ang ugaling sobrang bait. Ang sobrang kabaitan ay isa na ring katangahan. Mas malaking halaga ang kikitain kung iiwasan ang mga taong sumasamantala sa yong mabuting ugali. Minsan upang lumigaya at umunlad, dapat kang maging praktikal at makasarili. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Green at yellow ang buenas.

Read more...