Maraming pagbabago sa buhay ng Kapamilya actor na si JC de Vera mula nang magkaroon siya ng baby.
Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng aktor na ibang klaseng kaligayahan ang naramdaman niya nang makita ang kanyang anak na ngayon ay two months old na.
“Mas naging responsible ako in all aspects of my life. Mas naging compassionate ako kasi meron na akong daughter,” aniya.
Dugtong pa ni JC, “Lahat ng ginagawa ko is for them na, not anymore for me lang. Hindi lang puro trabaho na ‘yung ginagawa ko. I now have my small family na kailangan kong buhayin.
“So ngayon mas naging dedicated talaga ako. Mas naging more energetic din dahil sa daughter ko,” pahayag pa ng aktor na napapanood gabi-gabi sa primetime series na Since I Found You at sa sitcom na Banana Sundae.
Makakasama rin siya sa upcoming Kapamilya series na The General’s Daughter starring Angel Locsin and Maricel Soriano.