Enjoy na enjoy si Jodi Sta. Maria sa kanyang anak na si Thirdy bilang kanyang travel buddy.
“Napakarami pa naming gustong mapuntahan. Actually, part ng bucket list namin ‘yung makompleto ang wonders of the world kasi di ba may Seven Wonders of the World, may ancient world, may modern world. ‘Yun ang gusto naming mapuntahan at ma-experience together,” say niya habang break sa taping ng Sana Dalawa Ang Puso.
Amused na amused si Jodi kasi unlike other kids ay iba si Thirdy bilang kasama niya sa ilang travels abroad.
“One thing that I discovered about Thirdy is that just because he is a kid it doesn’t mean na patay na patay siya sa amusement parks. Whenever we go out of the country, I make sure na kahit paano we visit amusement parks and theme parks.
“Napansin ko sa kanya na it doesn’t really matter as long as we’re together and as long as he gets to experience ‘yung culture (ng ibang bansa). Mahilig siya sa mga museums so hindi issue sa kanya kung wala mang theme parks.
“Nakakatuwa siya kasi kahit mga tour guide kinakausap niya. Gusto niyang malaman ‘yung history ng lugar, curious siya,” say pa ng lead star sa seryeng SDAP.