Magkasunod na lindol naitala sa Davao Occidental

NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Davao Occidental kagabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-11:30 ng gabi. Ang sentro nito ay 13 kilometro sa silangan ng Sarangani at may lalim na 62 kilometro.

May naramdamang Intensity II paggalaw ang mga instrumento ng Phivolcs sa Alabel, Sarangani.

Samantala, alas-2:16 ng umaga ay naitala naman ng Phivolcs ang magnitude 4.8 lindol sa Jose Abad Santos, Davao Occidental.

Ang sentro nito ay 111 kilometro sa silangan ng Jose Abad Santos. May lalim itong 77 kilometro.

Read more...