Konting inom ng alcohol sapat sa iyong puso

IKAW ba ang tao na madalas uminom ng beer o wine subalit natatakot sa kahihinatnan ng iyong pag-iinom? Kung ito ang iyong problema huwag nang mag-alala dahil may bagong pag-aaral na nadiskubre na ang alkohol ay nakakabuti sa iyong puso.

Pero dapat konti lang.

Ayon sa pananaliksik ng isang grupo mula sa Biomedical Science Institute ng University of Sao Paolo sa Brazil, nalaman nito na ang alkohol ay nakakapagpalakas ng puso para makaya ang stress. Ang pag-aaral ay inilathala ng journal na Cardiovascular Research.

Sinabi ng mga mananaliksik na ang katawan ng tao ay gumagawa ng mga organismong tinatawag na enzymes. Ang mga ito ang tumutulong sa katawan natin na sirain ang mga kemikal mula sa alkohol subalit ito rin ang nagpoprotekta sa puso mula sa matinding pagkasira. Nalaman din ng nasabing pananaliksik na ang alkohol ay nakakatulong para maensayo ang katawan para gumawa ng mga enzymes.

Nabatid din na ang ang pagiging lantad sa ethanol – isang chemical compound na natatagpuan sa alkohol — ay nakakatulong din para makagawa ng parehong reaksyon na kailangan para mabawasan ang pagkasira habang inaatake sa puso.

Ipinaalam din nito na pwede lang ito sa mga katamtaman lang ang pag-iinom ng alkohol.

Kabaliktaran naman ang resulta nito para sa mga sobrang umiinom ng alkohol dahil ang puso ay mas madaling tinatablan dahil sa mas mataas na lebel ng mga kemikal.

Read more...