Kris: Ipaglalaban ko sina Kim at Erich!

NAPATUNAYAN muli ni Kris Aquino na totoong-totoo ang kasabihang “Makikilala mo ang tunay mong kaibigan sa panahon ng kagipitan.”

Sa lahat ng pinagdaanang hamon ng buhay at pagsubok ni Kris, kilalang-kilala na niya kung sinu-sino ang tunay niyang mga kaibigan na talagang hindi siya iniwan sa kanyang mga laban.

At kasama na nga riyan ang mga anak-anakan niya sa showbiz na sina Kim Chiu at Erich
Gonzales.

“That’s why alam ninyong lahat that I will fight and I will really make sure talaga to do everything for Kim Chiu and Erich. Alam ninyo yun. Alam ninyo na ganu’n ang pagmamahal ko sa dalawa.

“Sila pang concerned parati, sila yung una talaga. Buti itong dalawang ito, sabi ko, ‘Wow! May natanim pala talaga ako with them,’” pahayag ni Kris sa panayam ng mga reporter pagkatapos ng presscon ng “I Love You, Hater”.

Kinumpirma rin ni Kris na muling nabuksan ang communication nila ng isa pa niyang kaibigan, si JM de Guzman after his rehabilitation program.

“Nag-reconnect kami ni JM. He was my friend from way back. Ni-like niya yung isang picture sa IG. I followed him para ma-direct message ko siya at kinumusta ko siya and I said, ‘I’m so proud of you. I’m so proud.’

“And then sabi niya, ‘Coming from you, thank you ha, pero kasi ikaw ang mas nakaka-proud.’ I have a new respect for survivors,” sabi pa niya.

Read more...