MARAMING nam-bash kay Rita Avila nang sagutin nito ang pambabastos daw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika at sa Biblia. Meron din namang kumampi sa kanya at sinabing suportado nila ang ipinaglalaban ng aktres.
Sa speech kasi ng Pangulo para sa 2018 National ICT Summit sa Davao nitong weekend, tinawag niya ang Diyos na “stupid God”.
Aniya, “You created something perfect, and then you think of an event that would tempt and destroy the quality of work,” na ang tinutukoy ay ang paglalang kina Adan at Eba at ang pagsuway ng mga ito sa kauna-unahang kautusan ng Diyos.
“All of us are born with an original sin… what was the sin? Bakit original? Nasa womb ka pa, may kasalanan ka na. Anong klaseng relihiyon iyan?” ayon pa kay Digong.
Sa kanyang Instagram account, matapang na ipinahayag ni Rita Avila ang pagkontra niya sa mga sinabi ni Duterte. Ni-repost niya ang isang news article tungkol dito at nilagyan ng caption na: “This is a reflection of you, Mr. President. You only respect yourself.
“You look at us like garbage cans where you freely throw your trash. Wag naman ganun. Tao kami. Sa ngayon ang pakiramdam mo ay tao mo lang kami. Lang.
“Kung ganyan ang trato mo sa amin ay lalo lang liliit ang dignidad ng Pilipinas. Katiting na nga lang ang meron tayo eh.
“(To all Duterte fans, I held much hope in him. But sorry, this is too much. You can only help spreading more trash by bashing and hating but I wish you spread GOOD WORDS instead to help clean all of us up.
“Clean the energies surrounding us and ur precious selves too. We need to rise from too much hatred and trash. Sa ganito po tayo dapat mag hawak kamay.)
“NOTE: I encourage those who will make COMMENTS to use positive and kind words instead. We should not help in adding up to the dirty energies around us.
LET US HELP CLEAN UP,” mahabang pahayag ng aktres.
Sinundan pa ito ng isang Instagram quote na, “Religion has always separated all of us when LOVE ONE ANOTHER is the greatest teaching of each religion. Ironic isn’t it? We FIGHT. We HATE. We MOCK. Because of religion.”
Kahapon, binura na ng aktres ang kanyang IG post at ang kanyang paliwanag, “You are my sunshine, Father God. You know your children well. Thank you for the insights shared on my post earlier. I decided to delete because it is getting out of hand. Today is a-nother day, let the sun shine on us. May its rays reach our souls, hearts and minds.”