Kylie kakampi ba o kaaway nina Jennylyn at Tom sa The Cure?

KYLIE PADILLA

HINDI naitago ni Kylie Padilla ang excitement sa kanyang pagbabalik sa telebisyon.

Nabanggit kasi niya kamakailan na mas inspired siya ngayon na paghusayan pa ang kanyang pagganap sa mga roles na ibibigay sa kanya ng Kapuso Network.

Kaya naman matapos ang kanyang appearance sa Lip Sync Battle Philippines kamakailan, iniimbitahan nga-yon ni Kylie ang kanyang loyal fans and supporters na manood ng primetime series na The Cure. Yes, ipinakilala na nga ang karakter niya sa programa bilang si Adira.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Kylie na abangan ang pagpasok niya sa serye simula nitong nagdaang Biyernes. Curious ang mga manonood kung anong papel ang gagampanan niya sa The Cure.

Alamin kung magiging kakampi ba siya nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez, o papanig siya sa mga kontrabida at kampon ng kadiliman na pinamununuan ng karakter ni Jay Manalo?

Yan ang dapat abangan sa painit pa nang painit na mga eksena sa The Cure after 24 Oras sa GMA Telebabad.

Read more...