John Lloyd gumimik mag-isa sa isang bar sa Cebu, naki-jam pa sa live band

SA gitna ng balitang malapit nang manganak si Ellen Adarna, naispatan na naman si John Lloyd Cruz sa isang bar sa Cebu kamakailan.

Kumalat kahapon ang mga litrato ni John Lloyd kung saan makikita ang kanyang pakikipag-jam sa isang live band sa The Tavern Cebu.

Ayon sa mga netizens, solo lang na gumimik ang aktor at hindi niya kasama ang kanyang partner na si Ellen.

Base sa komento ng ilang followers ni John Lloyd, nakisaya ang aktor sa ginanap na The Tavern’s Rockoustic Live Event kung saan pinagbigyan niya ang request ng audience na tumugtog ng instrumento at kumanta.

Game na game rin siyang nakipag-selfie sa mga nasa bar. Komento nga ng mga netizens, mukha namang super happy si Lloydie sa buhay niya ngayon kasama ang nanay ng magiging anak niya.

Hindi rin daw nagtaka ang mga tao roon kung bakit hindi kasama ni John Lloyd si Ellen dahil balitang anytime soon ay ipapanganak na ng sexy star ang panganay nilang anak.

Kamakailan, kumalat din ang ilang litrato nina John Lloyd at Ellen sa isang ospital sa Cebu at pinaniniwalaang nagpa-checkup ang aktres sa kanyang OB-gyne dahil kabuwanan na niya ngayon.

Read more...