John Estrada umamin, super na-miss si Kris

FINALLY, si John Estrada na ang magiging leading man ni Kris Aquino sa “I Love You, Hater” ng Star Cinema na mapapanood na sa Hulyo 11.

Base ito sa post ng aktor sa kanyang IG account kung saan magkakasama sila sa picture nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

May caption itong, “Guested in this soon to be blockbuster movie I love you Hater with these two lovebirds @garciajoshuae and @juliabarretto…with the very masipag panky. Directed by Miss Giselle Andres. I missed @krisaquino on the set #july11na#starcinema.”

Matatandaang nilisan na ni John ang ABS-CBN nang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Mylene Dizon habang ginagawa nila ang seryeng The Good Son.

Isa si John sa mga aktor na pinagpilian para makasama ni Kris sa movie, pero naisip ng Social Media Queen na baka hindi na kunin ang aktor dahil nga umalis na siya sa Kapamilya Network.

Read more...