Gerald binabad ang katawan sa tubig na may yelo

NAGPAPAGALING na si Gerald Anderson matapos ma-injure sa isang basketball match kamakailan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Kapamilya hunk actor ng kanyang litrato habang nakalublob ang kalahating katawan sa bathtub na may yelo. May caption itong, “Injuries are our best teachers. #bounceback #minorsetbackforamajorcomeback!”

Ayon sa handler ni Gerald, napuruhan ang hita ng aktor habang naglalaro para sa Marikina Shoemasters ng Maharlika Pilipinas Basketball League. Nabatid na isang linggo dapat ipahinga ni Gerald ang kanyang paa para mas madali itong gumaling.

Nag-alala naman ang ilang fans ng binata at nangakong ipagdarasal na mas mabilis siyang maka-recover.

Sabi ni @kylleowenbenedicto, “Get well soon bro…excited na kami mapanood ka sa game nyo, God bless BeaRald!”

Komento naman ni, @iaaiimie45, “Pagaling ka lodi Ge! Makapaglaro ka man mamaya o hindi okey parin un sa amin! Ang mas mahalaga sa amin ay ang iyong kaligtasan!”

Ayon kay @bakekabga, “Don’t pushed yourself to the limit… sobrang sakit niyan.”

“Ge, Just keep praying, para sa kaligtasan at sa health mo, maglaan ng time para Kay Lord!” ang comment naman ni @czelbaga.

Read more...