Top 62 finalists ng ‘The Clash’ nagsimula nang magbakbakan

REGINE VELASQUEZ

NAGSIMULA na ang bakbakan ng Top 62 finalists sa latest singing competition ng GMA Network na The Clash last Wednesday.

Hinati sa pitong grupo ang napiling finalists mula sa Metro Manila hanggang Mindanao. Pero hindi lang mga finalists sa buong bansa ang kasali sa labanan dahil meron ding apat na mula sa ibang bansa na sina Cleo Lagunilla, Jasmine Fitzgerald, Mika Gorospe at Rachel Bergado.

Si Regine Velasquez-Alcasid ang host ng kumpetisyon at ayon sa Asia’s Songbird, “Very excited ako kasi we have a good set of singers na maglalaban-laban. I’m sure sa una, kakalabanin din ng mga singer na ito ang sarili nila kasi siyempre, kakabahan sila.

“But ako, my only advice to them is to use this nervousness to empower them,” pahayag ni Regine.

Ang tagasala o screeners ng naging finalists sa The Clash ay sina Vehnee Saturno, Jay Durias at Direk Bert de Leon. Magsisilbing judges naman sina Lani Misalucha, Christian Bautista at Ai Ai delas Alas.

Si direk Louie Ignacio ang magdidirek ng The Clash na mapapanood na ngayong July sa GMA.

Read more...