Dating sexy actress, partner naaresto sa iligal na droga sa Pampanga

INARESTO ang dating sex actress at kanyang partner ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) Pampanga Provincial Drug Enforcement Unit at Special Weapons and Tactics (SWAT) unit matapoa mahulihan ng iligal na droga sa San Fernando, Pampanga.

Sa ulat mula sa Police Region-III Office (PRO-3), nakumpiska kina Michelle Comstock at Mariano Camacam ang walong sachet ng shabu at limang improvised tooters na naglalaman ng shabu, at dalawang plastik ng soft drinks na naglalaman ng iligal na liquid substance, kahapon.

Ginamit ni Comstock ang screen name na Brigitte de Joya, at lumabas sa mga pelikulang “Kangkong” at “Gigil”, na ipinalabas noong unang bahagi ng 2000.

Ayon pa sa ulat, inaresto ang dalawang suspek, na kapwa residente ng Northville Calulut Resettlement, matapos ang ipinalabas na warrant ng Regional Trial Court Branch 46.

Read more...