Erap walang kupas ang pagiging comedian; Jackie papasok lang sa politika kung…

JACKIE EJERCITO AT JOSEPH ESTRADA

TAWANAN ang members ng entertainment media at ng ilang local officials ng Maynila sa mga hirit ni Mayor Joseph “Erap” Estrada sa ginanap na mediacon para sa 32 official candidates ng 2018 Miss Manila.

Wala pa rin kasing kupas ang pagiging komedyante at pilyo ni Mayor Erap, lalo na nang siya mismo ang magtanong sa ilang kandidata tungkol sa lovelife ng mga ito. Ang alkalde ng Maynila ang naging guest of honor sa presscon ng Miss Manila 2018 kamakalawa na ginanap sa Manila City Hall.

Bukod sa dating Pangulo ng bansa, naroon din ang kanyang anak na si Jackie Ejercito na siyang Pageant Director ng taunang beauty contest at chairperson ng MARE Foundation na siyang nasa likod sa naparakaming charity projects sa Manila.

Ngayong taon, muling nagsanib-pwersa ang City of Manila at MARE Foundation, kasama ang Viva Live, para sa grand coronation night ng 5th Miss Manila.

Ito’y bahagi pa rin ng selebrasyon ng Araw ng Maynila (sa June 24). Ang lahat ng proceeds na malilikom ng nasabing pageant with a cause this year ay mapupunta sa MARE Foundation para sa kapakanan ng lahat ng kanilang tinutulungang mga Manileño.

Narito ang listahan ng 32 official candidates para sa Miss Manila 2018: Esel Mae Pabilaran, Lux Coleen Brusas, Charlotte Jhiza Beleno, Genesis Durana, Elaine Contreras, Kristi Celyn Banks, Ria Angelique Siozon, Julee Anne Mae Cabrera, Kayla Fajardo at Paulina Labayo.

Pasok din sa grand coronation night sina Malka Suaver, Ma. Flordeliza Mabao, Katrina Racelis, Dyan Shane Mag-abo, Leitz Camyll Ang, Therese Marie Marguerette Gaston, Lois Sta. Maria, Maria Lianina Macalino, Nikki Lim Sotelo, Agatha Lei Romero, Sheika Hanna Galang, Christine Roazol, Juliee Ann Forbes, Zeta Erin Alegre, Joan Patrice Dulina, Georgette Coronacion, Samantha Elin Colowo, Beatriz Canary Tolentino, at Lean Dominique Lalu.

Ayon kay Ms. Jackie Ejercito magaganap ang live grand coronation night sa June 28, 8 p.m. sa Philippine International Convention Center (PICC) Reception Hall. Mapapanood naman ang TV airing nito sa Linggo, July 1, sa ABS-CBN Sunday’s Best.

Ang kokoronahang 2018 Miss Manila ay mag-uuwi ng prize package worth P1 million (P 500,000 cash plus Viva Management contract worth P500,000). Ang first runner-up ay mananalo ng P 350,000 cash, P250,000 sa second runner-up, P150,000 sa third runner-up, at P100,000 sa fourth runner-up.

Magiging bahagi rin ng mga special events at charity activities ng Maynila ang mga mananalo.

Samantala, hindi naman pabor ang mga kandidata na tinanong namin sa presscon na tanggalin ang Swimsuit Competition sa Miss Manila tulad ng ibang local beauty pageants. Naniniwala sila na mas maipakikita nila ang kanilang confidence sa pagrampa nang naka-swimsuit. Kontra rin sila sa nagsasabing naba-violate ang kanilang pagkababae sa pagsusuot ng swimweat sa mga pageant.

Nakachikahan din namin at ng iba pang reporters si Jackie Ejercito at dito nga niya sinabi na hangga’t maaari ay ayaw niyang pumasok sa mundo ng politika. Okay na raw sa kanya ang ginagawang pagtulong sa mga taga-Maynila sa pamamagitan ng MARE Foundation.

Pero kung mismong si Mayor Erap daw ang magsasabi sa kanya na it’s about time na tumakbo siya, handa siyang tanggapin ang hamon. Hindi raw niya kayang hindian ang kanyang ama.

Read more...