Luigi Revilla pinuri si Lani: Hindi ko na-feel na anak ako sa labas!

GOING full-blast na ang pag-aartista ni Luigi Revilla, son of former Sen. Bong Revilla.

Bida si Luigi sa “Amats” episode ng “Tres” a trilogy produced by Imus Productions which also features his brothers Bryan and Jolo Revilla.

“Lahat ng episodes, it’s all about drugs. Sa start ng movie, mabait ang character ko, nawalan lang ng pera pero dati siyang mayaman. Ang car ko lang ang maganda, kasi ‘yun lang ang naiwan sa akin ng parents ko. Then naging addict ako. Dumating si Ms. Assunta de Rossi, siya ang nag-introduce sa akin sa drugs,” chika ni Luigi.
Sabi ni Luigi, he draws strength from his dad Bong.

“Sobrang mahirap talaga kasi may times na nasa labas ka ng condo tapos mapapaiyak ka na lang. Iyong tipong wala na, nandiyan na, wala ka nang magagawa.

“Pero never niyang i-pinakita sa amin na hirap na hirap na siya. Tuwing kasama namin siya, he would say ‘wag mong isipin ‘yan pero at the end of the day kita namin ma in pain siya,” he said.

Okay ang relasyon niya kay Lani Mercado.

“Parang nanay ko siya and the way she treats me parang anak niya ako. Never ko na-feel na anak ako sa labas,” he said.

Read more...