Boobs ni Marian lumiit, tumigil na sa pagpapadede kay Zia: Babalik din yan!

MARIAN RIVERA

MAUUNA munang mapanood ang bagong TV series si Dingdong Dantes bago ang gagawing serye ni Marian Rivera.

“Kawawa naman si Zia kapag nagsabay kami sa trabaho,” rason ni Yan sa presscon ng first anniversary ng OFW docu-drama niyang Tadhana.

Pero hindi naman daw hadlang ang kontratang pinirmahan niya sa GMA pagdating sa muli niyang pagbubuntis.

“Ay, alangan namang pigilin ko ang sarili ko, di ba? Alam naman ng GMA na the mere fact na kinasal kami eh, automatic ‘yan. Magkakaroon ng supling talaga at ang pagkakaroon ng anak ay isang malaking biyaya na hindi mo puwededng pigilan. Siyempre na kay Lord ‘yan kung kelan niya ibibigay,” rason ng GMA Primetime Queen.

Habang kausap ng press si Yan, pinansin namin ang tila pagliit ng kanyang boobs.

“Ay, talaga! Naku, ganoon talaga after breastfeeding. Hintayin mo. Babalik uli ‘yan! Ha! Ha! Ha!” bulalas niya.

Tigil na si Marian sa pagpapadede kay Zia after two and half years.

“Saka sabi ng OB ko, maliit ang chance na magkaroon uli kapag nagpapa-breastfeed kaya stop na. Wala na!” saad niya.

Anyway, sa episode ng Tadhana na mapapanood ngayong Sabado, June 23, bibida naman si Marian sa kuwento ng isang OFW at bonus sa programa ang pagdidirek sa kanya ni Dingdong.

Isang suspense movie naman ang nakatakda niyang gawin anytime now na balitang ilalaban sa 2018 Metro Manila Film Festival, huh!

Read more...