Rufa Mae umamin sa feelings kay Piolo: Nagkakamalisya na kasi ako sa kanya!

NAG-GUEST si Rufa Mae Quinto sa Tonight with Boy Abunda kamakalawa, dito nga niya i-binahagi kung gaano siya kasaya kapag nasa taping ng Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home. Isa-isa niyang inilarawan ang mga co-stars niya sa programa.

Puro papuri ang komedyana sa kanyang mga katrabaho, lalo na kay Toni Gonzaga, “Mabuti siyang anak. Sobrang bait niyang tao. Saka maka-diyos siya.”

Matagal na raw silang magkaibigan ni Toni, nag-start daw ito noong sabay silang magbuntis at laging magkatabing lumalafang, lalo na kapag may pakain ang isa pa nilang friendship na si Mariel Rodriguez Padilla.

“Balik kami nang balik sa buffet, ang saya-saya lang,” sey pa ni Rufa Mae.

Bilib naman siya sa ve-teran actress na si Sandy Andolong, “She’s a strong wo-man naman. Lima anak niya. CS lahat. Wala siyang yaya. Nakakainspire siyang babae.”

Matagal na ring close sina Rufa Mae at Ogie Alcasid kaya okay na okay ang kanilang working relationship, “Parang mas na-ging okay kasi nun mas mga bata pa kami. Mas wala lang. Ha-hahaha!”

Inamin naman ng ko-medyana ang napi-feel niya kay Piolo Pascual na siyang pumalit kay John Lloyd sa Home Sweetie Home.

“Nagkakama-lisya na nga ako sa kanya, e. Kasi luma-laban na rin (sa mga eksena). Kasi dapat ako lang ang yumayakap, pero pansin ko nanlalaban na rin,” natatawang chika ni Rufa Mae.

Nang tanungin kung may nakaraan ba sila ni Piolo? “Ang nakaraan namin pray-pray sa bahay niya. Basta every night.”

All out daw ang support kay Rufa Mae ng kanyang asawa sa pagbabalik niya sa showbiz after niyang ma-nganak. Pinuri rin daw nito ang kanyang mga katrabaho sa HSH, “Alam niyo sabi ng asawa ko natutuwa siya na kayo ang kasama ko kasi magiging good influence sa akin.”

Read more...