Kylie mas ganadong magtrabaho dahil kay Baby Alas; mag-aaksyon uli sa ‘The Cure’

KYLIE PADILLA

NA-MISS ni Kylie Padilla ang pag-aaksyon, kaya naman happy siya na mapasama sa Kapuso primetime series na The Cure.

Hindi man isiniwalat ang buong pagkatao ng kanyang karakter, pero siguradong astig at mapapasabak siyang muli sa mga matitinding fight scenes.

Ano kaya ang magiging papel niya sa paghahanap ng lunas sa epidemya?

Samantala, excited naman niyang ibinahagi na mas nadagdagan ang passion niya sa pag-arte dahil inspirasyon niya ang anak na si Alas.

Maraming natutunan sa buhay si Kylie mula nang ipanganak si Alas, at masaya siya sa mga pagbabagong nangyayari sa kanya.

Siguradong mas maaaksyong kaganapan ang matutunghayan sa pagpapatuloy ng The Cure kaya tutok lang sa GMA Telebabad gabi-gabi after 24 Oras!

Read more...