Pasiklaban ng mga ‘resbekla’ sa Miss Q&A ng Showtime waging-wagi sa madlang pipol

VICE GANDA AT ANNE CURTIS

DUMATING na ang pangalawang pagkakataong hinihintay ng 15 beki beauty queens upang patunayang karapat-dapat sila sa korona sa pag-uumpisa ng “resbek” week ng “Miss Q and A” sa It’s Showtime.

Noong Lunes, ipinakilala na ang mga nagbabalik na kandidata at maging ang bagong format ng segment na lalong nagpapasabik sa tagisan at patalinuhan ng contestants.

Nagharap ang mga “resbekla” sa unang round na “Tumpak! Ganern! Ganern!” kung saan ang dalawang kandidatang makaka-two points ang siyang dideretso sa next round.

Pagdating naman sa “’Di Ba ‘Teh,” magdedebate ang mga natitirang kandidata tungkol sa isang paksa at i-dedepensa ang panig na kanilang nabunot. Bibigyan sila ng tig-30 seconds para sa kanilang opening statements at pagka-tapos naman ay magsasalitan ng sagot sa loob ng 60 se-conds.

Una na ngang nakapasok sa semi-finals sina Khei Perlaoan at Angelika Mapa-nganib na nanguna noong Lunes at Martes.

Kahapon sumabak naman sina Joey Jessa Tagalog, Venus Lara Garcia, Kristine Ibardolaza, Marjorie Ompong Bora Santillan, Ligaya Maligat, Barbie Anderson, Princess Khim Santillan, Elsa Droga Mendoza at Dyosa Ariwawa Barasebe para masiguro ang kanilang pwesto sa semi-finals.

Kilalanin ang iba pang semi-finalists na lalaban sa grand finals ngayong June 30? Panoorin ang “resbek” week ng “Miss Q and A” sa It’s Showtime tuwing tanghali sa ABS-CBN.

Read more...