KAPAG ganitong maulan ay mas masarap kumain ng tuyo (salty dried fish). Pero hate na hate ito ng afam (foreigner) na dyowa ng isang beauty queen-turned-actress.
Para kasi sa kanya’y nakakasulasok ang amoy ng tuyo habang pinapasadahan sa mantika, dumidikit pa raw sa kurtina ng bahay nila ang amoy nito.
“Ineng, paraan ko lang ‘yung pagpiprito ng tuyo pag nag-aaway kami, ‘yun ang ganti ko sa kanya kapag naiirita ako!” kuwento ng hitad, palibhasa’y hindi maselan pagdating sa pagkain.
“Kapag naaamoy na niya ‘yung tuyo, sisigaw na ‘yan, ‘Honey, I’m pissed off by that smell again. For God’s sake, will you please stop frying that little fish?!’
“Ako naman, sige, dinadamihan ko pa ang pagpiprito. Sasagutin ko naman ng, ‘Honey, this is so delicious. Why don’t you try it yourself?’ O, ‘di ba, nakaganti rin ako?”
Siyempre, Ingles ang usapan nila sa bahay kahit namamaluktot na ang dila ng hitad.
Kaya don’t judge her because she’s not a book!