Ayuda ng preventive mediation | Bandera

Ayuda ng preventive mediation

Liza Soriano - June 20, 2018 - 12:10 AM

NAISAAYOS ng labor department ang P29.9 milyon halaga ng benepisyo para sa may 1,133 manggagawa sa pamamagitan ng programa nitong preventive mediation.

Sa ulat, nagtala ang National Conciliation and Mediation Board (NCMB) ng 86 porsiyentong settlement rate o 177 kasong naisaayos.

Sinabi ng NCMB na ang mga kasong naisaayos mula Enero hanggang Mayo 2018 ay naresolba sa loob ng process cycle time na 29 araw.

Ang preventive mediation ay isang mekanismo ng pagreresolba ng di-pagkakaunawaan upang maiwasan ang pagkatigil ng trabaho o pagwewelga.

Sa ilalim ng ganitong pamamaraan, maaaring ilahad ng magkabilang partido ang kani-kanilang posisyon na hindi kinakailangang sumailalim sa legalidad, at mabigyan ng pagkakataon na resolbahin ang kanilang problema upang

Ipinatupad ng NCMB ang preventive mediation upang mapanatili ang kaayusan ng industriya ng bansa.

Ang pagsasaayos ng preventive mediation case ay nagpapatunay ng pagiging epektibo ng ating conciliator-mediator para maiwasan ang pagkakaroon ng welga, na isa sa mabisang element upang mapanatili ang kaayusan sa lahat ng lugar-paggawa

Maliban sa preventive mediation, pinalakas din ng labor department ang operasyon ng Labor Ma-nagement Cooperations (LMCs) sa mga kumpanya na nagresulta ng agarang pagsasaayos ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng manggagawa at ng management.

Batay sa report ng NCMB, 3,077 mula sa 3,173 o 97 porsiyento ng kumpanya na may Labor Management Cooperation ang hindi nasangkot sa mga kaso ng Actual Strike/Lockouts, Notices of Strike/Lockout, at Preventive Mediation o Voluntary Arbitration para sa buwan .

Information and
Publication Service
Department of Labor and Employment
Intramuros, Manila

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending