TINIRA-TIRA si Maine Something sa social media for being insensitive.
Sa Sugod-Bahay kasi ay ginaya-gaya niya in a comic way ang pagsasalita ng winner na naiyak dahil namatayan siya.
“I find this part so insensitive knowing that the sugod bahay winner’s son/daughter (not sure) just recently died and they still continue this sick joke of replicating her emotions on what she felt during that moment. You guys are so inconsiderate. @mainedcm @AngPoetNyo #JoseManalo,” tweeted one netizen.
Nagpalusot pa si Maine sa kanyang tweet and said, “Nakikiramay po kami kay ate. Hindi po namin alam nung una na ganun pala ang pinagdadaanan niya bilang hindi po namin naintindihan yung una niyang sinabi.”
With that, lalo siyang na-bash.
“Ang insensitive naman talaga. Ako naintindihan ko kaagad. Ang sabi niya masayang masaya daw siya dahil mapapalibing na niya ang anak niya. Bakit hindi niyo naintindihan?”
“Anong hindi alam? Sinabi ni ate yung tungkol sa anak nya na namatay habang umiiyak after that ginaya ni yaya dub yung pag-iyak ni ate. Malinaw ang pagkakasabi ni ate.”
“I find it bastos. Kahit pa hindi sensitive yung sinabi ni ate habang umiiyak, mimic-king a person like that is bastos.”
“Asaan ang apology dito? I’ve re-read this tweet several times and it sounds like an excuse more than an apology. How hard is it to say ‘I apologize.’ or ‘I’m sorry.’ It’s for you to do better next time.”
But of course, marami rin namang nagtanggol kay Maine at nagsabing walang masamang ginawa ang kanilang idol. Pinalalaki lang ng mga haters.
q q q
Kaloka ang aria ng isang Primitivo Cruz against GMA 7 as shared by Mark Manalo on his Twitter account.
“Madalas ay tila desperado ang mga namamahala sa career ng mga Kapuso artists. Gustong gusto ng GMA na napag-uusapan ang kanilang mga starlets.
“May mga binabayaran ang Kapuso para pagandahin ang image at pangalan ng mga starlets sa presyong divisoria. Ang isang tabloid reporter na halatang bayaran ng GMA ay todo papuri kay Janine Gutierrez habang todo rin sa panlalait sa Phenomenal Star and Dubsmash Queen turn concert Queen na si Maine Mendoza.
“Aba kahit anong gawin nilang pagmamanipula ay hindi nila maloloko ang taong bayan. Oo maganda nga si Janine pero pagdating sa karisma at talent winner si Maine. Diyos ko po, ipagawa ninyo nga sa mga Artist Center ta-lents ang mga talentong meron ang nag-iisang Diyosa sa buhay ni Alden Richards, mangangamote ang mga starlets.
“Yun nga mga nagpeperform sa Lip Sync Battle di maintindihan basta maibuka lang ang mga bibig. Samantalang si Maine pati facial expressions kuhang kuha, pagsama samahin ninyo pa ang mga nanalo sa LSB kakain yan ng alikabok kay Maine Girl.”
Halatang maka-Maine ang Primitivo na ito.