Dating Eat Bulaga Dabarkads may death threat

NAKAKATANGGAP ngayon ng death threats sa social media si Samantha Lopez, ang dating kinagigiliwan sa Eat Bulaga bilang Gracia.

Kinamumuhian kasi siya ngayon ng netizens dahil sa pagiging salbahe sa GMA afternoon series na The Stepdaughters.

Panay kasi pahirap ang ginagawa ng cha-racter ni Samantha kay Megan Young bilang si Mayumi.

Ayaw namang pasindak ni Samantha sa pananakot sa kanya. Ang ibig lang daw kasing sabihin nito ay effective ang pagiging kontrabida niya sa teleserye nina Megan at Katrina Halili.

Read more...