DIRETSONG inamin ng Queen of Social Media & Online World na si Kris Aquino na may feelings pa rin siya kay Mayor Herbert Bautista.
Sa grand presscon ng “I Love You Hater”, ang comeback movie ni Kris sa Star Cinema ka-
sama sina Joshua Garcia at Julia Barretto, sinabi niyang affec-ted at nasasaktan pa rin siya kapag naiisip ang mga nangyari sa kanila noon ni Mayor Bistek.
Ramdam ng entertainment press na dumalo sa presscon ng “I Love You, Hater” na may “something” na namang nangyayari sa pagitan ng dating magkarelasyon. Malalim kasi ang hugot
ni Tetay nang matanong kung naniniwala sila sa kasabihang “When you love, you must hate.”
“When you’re still capable of hating someone you once love, that means there is still love. Pero kapag deadmabels ka na o care bears ka na sa buhay niya, that means naubos na yung love,” chika ng Queen of Digital World na sinundan ng sigawan at palakpakan mula sa kanyang supporters at JoshLia fans na dumalo rin sa presscon.
Hirit naman ni Kris, “Bago kayo mag-react, I still care about him – ang tinutukoy ko na wala na akong pakialam sa kanya, yung tatay ni Bimb (James Yap), para klaro tayo. Pero kung saan tayo nakatayo ngayon, kung saan ang ABS-CBN (Quezon City), he can still make me hate him, so that means I still have feelings for him.”
Ang tinutukoy nga ni Kris ay si Mayor Bistek. Pagpapatuloy pa ng mommy ni Bimb, “How did love and hate figure in my life so far? You don’t let hatred win. That’s the number one lesson I’ve learned. If they can still let you to have that emotion of hatred, then they’ve won.
“That was a process, ha, na you have to know kung sino talaga ang enemy and choose your battles carefully,” aniya pa.
Tinanong uli ang cast ng “ILYH” ng “Who is the last person you hated that you also loved?” Tugon ni Kris, “Si Mayor HB. I said ano, nasabi ko na, ‘Kaya kong i-give up ang pagiging Kris Aquino para sa iyo yet kulang pa rin iyan para sa iyo.’ Sabi ko, ‘If the man never says sorry, kung si President Duterte nagpaabot sa akin ng sorry, bakit ikaw, hindi ka nag-I’m sorry sa akin?’
“Then, he said to me, ‘Mag-usap tayo nang harapan.’ And I said, ‘Para ano pa?’” chika ni Kris kasunod ng pagkantiyaw sa kanya nina Joshua at Julia ng, “Kailangan ng closure!”
Sagot naman ni Kris, “Sa movie, may closure. Sa totoong buhay, hindi ibinibigay sa iyo ang closure. Siguro until now, may galit. Siguro until now, nagagalit kasi nga nagmahal.”
q q q
Sa presscon pa rin ng “I Love You, Hater”, napansin ng entertainment media na blooming at ang seksi-seksi nga-yon ni Kris. Game na game niyang tinanggal ang kanyang blazer para ibandera ang produkto ng kanyang healthy living.
“Honestly may pinapatunayan ako. Meron akong gustong makanood nito at magsisi. Lahat who work for KCAP (Kris Cojuangco Aquino Productions) know this, hindi kumakain minsan.
“Tinitiis talaga kasi ang greatest motivation ng kahit sinong babae and Julia knows this, is to make those who made you feel na you are not good enough regret their mistake,” pahayag ni Kris.
Dagdag pa niya, “Kinailangan ko lang na maramdaman niya at kinailangan ko kapag napanood sa big screen, kasi alam ko naman na ilang billboard na tataas para e-very time madaan sa billboard, masasamid.”
At nang matanggal na na niya ang kanyang blazer, tumambad sa audience ang kanyang kaseksihan at kakinisan, “Tatayo na ako sa gitna. Hashtag Mayor, this is what you’re missing.”
Pero hirit pa niya, “I think ngayon, nasabi ko na, I’m already in an okay place. Siya lang kasi yung nakakapagparamdam pa sa akin na may mali sa akin. So sabi ko, for me not to feel that, I have to not talk to him.
“Kung sa personal may ganu’n pa akong nararamdaman…there are some people na kailangan mong mahalin from a distance,” aniya pa.
Showing na ang “I Love You Hater” sa July 11 sa mga sinehan nationwide sa direksyon ni Giselle Andres under Star Cinema.