Angelica, Carlo pinainit ang socmed sa mga ‘hot photo’

USAP-USAPAN sa social media ang intimate Instagram photo at video nina Carlo Aquino at Angelica Panganiban.

Kuha ito sa Instagram Stories ng makeup artist na si Joshen Vahn Lee, kung saan makikita ang dating mag-dyowa sa aktong maghahalikan.

Kinilig siyempre ang mga fans ng dalawa at kanya-kanyang komento nang makita ang mga litrato. Pero ayon sa ilang netizens, eksena ito sa ginagawang pelikula ng dalawa pero sey naman ng ibang CarGel supporters, trip-trip lang ng former couple ang kanilang “landian” moments.

Read more...