Luis nag-propose na kay Jessy sa Paris?

NAG-PROPOSE na nga ba si Luis Manzano sa kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola sa Paris, France?

Nagbakasyon ang magdyowa sa tinaguriang City of Love at ilang litrato nila ang makikita sa Instagram account ni Jessy. Isa na nga rito ay ang photo nila together sa picturesque Eiffel Tower. Nilagyan ito ni Jessy ng caption na: “When you have to rely on filters ‘cos of the gloomy weather #howhowsinParis #eiffeltower #turistas.”

Ilang netizens ang nagsabi na mukhang nag-propose na raw ang TV host-comedian sa kanyang GF. Narito ang ilan sa mga comments ng followers ni Jessy.

“@senorita_jessy bakit gusto ko na magpropose si Lucky dyan sa Paris? Excited lang kmi lahat ng fans nyo!” sey ni @kordapz1994.

“Nangangamoy propo-sal,” sey ni Ace Maldito.

“You deserve happiness Jessy. You are a sweet heart and you love lucky deeply. I can’t wait to see you getting married with him!” sabi ni @thesushicecream.

“Propose naaaa! Hihi @luckymanzano (Excited si Ako hahaha),” panunukso naman ni Eka Sia.

Ayon naman kay @agshuwella, “Nice pair. Put God in the center of your relationship then you’ll be the winner.”

Papuri naman ni @viva73 sa dalawa, “Just saw you both at Notre Dame…and got photos with you guys… you are very nice and gracious.. God bless you both!”

Read more...