MAY bloggers set visit ngayong araw para sa seryeng Sana Dalawa Ang Puso na magsisilbi ring post birthday celebration ng lead actress ditong si Jodi Sta. Maria na nagdiwang ng kaarawan nitong Hunyo 16.
Maraming lumabas na balitang hiwalay na sila ni Cavite Vice-Gov. Jolo Revilla matapos siyang batiin ng aktor sa Instagram ng, “I wish you all the happiness in this world that you deserve. Thank you for bringing out the best in me. Thanks for the wonderful 8 years! Happy birthday Jods! God Bless always!”
Sinundan pa ito ng tweet ni Jolo ng, “When something is really meant for you, you don’t have to force it, rush it, or manipulate it.” Maraming sumubok na hingan ng komento si Jolo pero nananatiling tikom ang bibig nito.
Ano kaya ang version ni Jodi sa napabalitang break up nila ni Jolo na nakarelasyon niya ng walong taon? Gusto rin namin siyang tanungin kung bakit sobra na ang kapayatan niya ngayon kaya mukha na raw siyang anorexic?
Anyway, nangunguna pa rin sa ratings game ang Sana Dalawa Ang Puso na napapanood bago mag-It’s Showtime.