Babae patay matapos masagasaan ng tren ng PNR sa Maynila

PATAY ang isang babae matapos na masagasaan ng Philippine National Railway (PNR) at makaladkad pa ng 15 metro sa kahabaan ng Perlita st., San Andres, Maynila, kaninang umaga.

Ayon sa ulat, tinangka pa ng mga nakasaksi na tawagan ang pansin ng babae kaugnay ng paparating na tren ngunit nabigong maiwasan ang aksidente.Hindi pa nakikilala ang biktima na nakasuot ng gray shirt at dilaw na yellow short pants.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang aksidente at nirerepaso na ang CCTV footage sa lugar para madetermina ang naging sanhi ng aksidente.

Nakikipag-ugnayan na ang mga imbestigador sa mga opisyal ng barangay para makilala ang biktima.

Read more...