MRT3 nagkaaberya dahil sa sumabit na plastik

NAGKAABERYA ang biyahe ng mga tren ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) dahil sa sumabit na plastik sa kable sa pagitan ng Santolan at Ortigas south bound station.

Hindi naman kinailangan na magpatupad ng provisional service ang pamunuan ng MRT at ipinatanggal lamang ang plastik sa messenger wire.

“All trains are regulated while intervention is ongoing,” saad ng advisory ng MRT. “Trains have started moving as of 2:35pm. Obstruction hanging on the wire is already removed.”

Daan-daang pasahero naman ang naaabala dahil dito. “Only delay in the movement of trains while intervention is ongoing.”

Read more...