Palasyo sa call center agent na nahuli sa kampanya vs tambay: E di magdemanda kayo

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang kampanya ng pamahalaan kontra mga tambay matapos ulanim ng reklamo ang mga pulis na hinuhuli maging ng mga call center agents na kalalabas ng trabaho.

Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maaari namang kasuhan ng mga biktima ang mga pulis sakaling hulihin sila nang walang dahilan.

“Well, kasi meron tayong established na mga mekanismo para protektahan ang karapatan ng kalayaan. Kapag ang mamamayan ay naaresto at hindi naman kinasuhan, pupwedeng makasuhan ng kriminal for illegal detention ang ating kapulisan,” paliwanag ni Roque.

Kamakailan ay nag-viral ang post ng isang call center agent na hinuli sa Kalayaan Avenue sa Makati habang hinihintay ang kanyang kaibigan.

“Well, if the trauma cannot be reversed, he can also file civil damages against the policeman,” dagdag ni Roque.

Read more...