Andi bumawi sa ama ni Ellie: Jake ‘awesome dad’ daw

ANDI EIGENMANN AT JAKE EJERCITO

KALAT na ang balita na wala na sa pangangalaga ni Andi Eigenmann ang anak na si Ellie. Ayon sa chika, kay Jake Ejercito na nakatira ang bagets at ito na ang laging kasama ngayon ng anak nila ni Andi.

May kumalat kasing balita na mas pinili na ni Andi na manirahan sa probinsya kasama ang kanyang bagong boyfriend at nagdesisyon na ipaubaya muna kay Jake ang pag-aalaga at pagpapalaki kay Ellie.

Last Father’s Day, nag-post ng mensahe si Andi sa kanyang Instagram account para pasalamatan si Jake sa pagiging mabuti at responsableng ama sa kanilang anak. “Thanks for being such an awesome dad to Ellie! Happy father’s day,” message ni Andi.

Nag-post din ang anak ni Jaclyn Jose ng throwback photo nila ng yumaong ama na si Mark Gil na may caption na: “It’s always harder to miss u on occasions like these. But I’m happy to know that ull always be there to guide us even all the way from heaven. Super cute picture can’t help but share.”

Hugot pa ni Andi, “If you don’t think photos are impt. wait till theyre all you have left.”
Samantala, mukhang pinanindigan na nga ni Andi ang desisyon niyang huwag nang mag-artista dahil mas pinagtutuunan niya ngayon ng pansin ang kanyang personal na buhay sa probinsya sa piling ng kanyang dyowa.

Read more...