Kristine 4 na ang anak kay Oyo Boy pero fresh na fresh pa rin

HINDI maka-move on ang Bagani fans sa picture nina Kristine Hermosa at Liza Soberano.
Until now kasi ay pinag-uusapan sa social media ang kanilang litrato na kasama pa nila si Enrique Gil.

Ang daming nakapuna na hindi tumatanda si Kristine, na parang may na-discover itong fountain of youth. Apat na kasi ang mga anak nito pero parang dalaga pa rin.

Na-compare si Kristine kay Liza. Si Liza na raw ang nasa trono dati ni Kristine bilang isa sa pinakamagandang mukha sa showbiz.

Anyway, sa Bagani ay pinagtulungang labanan nina Ganda (Liza), Malaya (Kristine) at Lakas (Enrique) si Gaki. Nagapi naman nila ito kaya lang ay tinanong ni Lakas si Malaya kung makalalabas pa sila sa mundong kanilang kinaroroonan.

Read more...