Barbie komedyante na, beauty vlogger pa

BARBIE FORTEZA

BEAUTY vlogger na si Barbie Forteza! Good vibes ang dala ng kanyang You Tube channel lalo na’t lutang na lutang ang trademark niyang paghalakhak!

Bilang panimula as vlogger, ibinahagi ng bida ng Inday Will Always Love You ang kanyang make up routine. May payo siya kung anong make up ang dapat gamitin sa gaya niyang super puti ang kutis!

Siyempre, hindi nawala ang kakikayan ng girlfriend ni Jak Roberto. Ipinakita rin niya ang kanyang face na walang bahid ng make up pero lutang na lutang pa rin ang glowing skin niya, huh!

Read more...