Miguel may ‘kasalanan’ kay Bianca, pero bumawi naman sa bonggang sorpresa

BIANCA UMALI AT MIGUEL TAN FELIX

BUMAWI si Miguel Tanfelix sa ka-loveteam na si Bianca Umali nang hindi niya nasamahan ang Kapuso actress sa isang fashion event.

Umagaw ng pansin ang pagiging sopistikada ni Bianca sa simple niyang kasuotan kaya naman nanghinayang ang BiGuel fans nang malaman na hindi pumuwede si Miguel bilang escort ng Kapuso actress.

Para makabawi, sinorpresa ni Miguel si Bianca ng bigyan niya ito ng isang stuffed toy at mini date. Naka-post sa kani-kanilang Instagram accounts ang bonding moments ng mga bida sa top rating Kapuso series na Kambal, Karibal.

Pero magkakaroon ng mahaba-habang leisure time ang BiGuel loveteam kapag natuloy ang biyahe nila papuntang Japan!

Feeling namin mas magle-level up na ang kanilang relasyon pagbalik nila sa pagbabakasyon sa Japan. Let’s just wait and see.

Read more...