Seo In Guk tigil muna sa military training, balik na sa K-Drama

KOREAN word of the week: Ajusshi – Literal na ang kahulugan nito ay “uncle”. Ngunit ginagamit din kapag nakikipag-usap sa isang lalaki na mas matanda at hindi kakilala, bilang pagpapakita ng paggalang. Ito ay katumbas ng “Sir” sa Ingles.

q q q

Nagbabalik si Seo In Guk sa pagdadrama matapos matigil ang kanyang mandatory military training dahil sa kanyang health condition.

Makakasama ni In Guk sa bago niyang teleserye na 100 Million Stars Falling From The Sky ang Korean actress na si Jung So Min. Ang 100 Million Stars Falling From The Sky ay remake ng 2002 Japanese drama.

Huling napanood si In Guk sa Shopping King Louie bago siya pumasok sa military.
Kabilang sa mga nagawang K-drama ni In Guk ang Hello Monster, Reply 1997, Master’s Sun, The King’s Face at High School King Of Savvy.

Na-exempt si In Guk sa military training matapos ma-diagnose ng pagkakaroon ng osteochondritis dissecans, isang joint disorder kung saan nagkakaroon ng crack sa cartilage at mga buto.

Nakatakdang ipalabas ang bagong K-drama ni In Guk sa second half ng taon.

Read more...