No to Junk food, Yes to Green at Yellow na food

HOY, hoy, hoy, junk food na naman ba yang kinakain mo?

Baka masobrahan ka at kung ano ang maging epekto nyan sa katawan mo ha.

Kaya nga ang Department of Education naglabas ng Department Order 13 noong 2017 para matiyak na tamang pagkain ang itinitinda sa school canteen. Sa naturang utos ikinategorya ang mga pagkain sa Green, Yellow at Red.

Yung mga healthy food gaya ng unsweetened buko juice, bottled water, kanin, nilagang kamote at saging na saba, mais, suman, isda, manok, itlog at mga katulad na pagkain ay nasa Green Category na dapat ay itinitinda sa mga canteen.

Nasa Yellow Category naman ang biskwit, tinapay na gawa sa refined flour, turon, banana cue, camote cue, maruya, pansit, waffle, champorado at mga katulad nito.

Red Category naman ang mga sweetened be-verages gaya ng softdrink, sports water, energy drink, flavored water, ice cream, ice candy, cake donut, chicharon, chicken skin at lahat ng klase ng chichiria o salted snacks. Ang mga ito ay hindi dapat ibinebenta sa school canteen.

Sa House of Representatives Ang Edukasyon Rep. Salvador Belaro Jr., ang dalawang panukala upang matiyak na tama ang pagkain at inumin na mabibili ng mga estudyante.

Ayon sa House bill 4038, gagawa ng standard nutrition-based menu na susundin ng lahat ng canteen sa elementarya at high school na pinatatakbo ng gobyerno.

Sa ilalim ng panukala, bubuo ang DepEd at Department of Health ng listahan ng mga pagkain na ititinda sa canteen.

Nais din ni Belaro, sa House bill 4039, na ipagbawal sa school canteen ang pagbebenta ng soft drinks at energy drinks.

Hindi ito ang unang pagkakataon na may naghain ng ganitong panukala sa Kamara de Representantes.

Noong 2014, inihain nina Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, at Vice Pre-sidente Leni Robredo na noon ay kinatawan ng Camarines Sur ang Healthy Beverage Options Act.

Bukod sa softdrink at energy drinks, ipagbabawal na ibenta sa mga school canteen ang fruit-based drinks na hindi aabot sa 50 porsyento ang fruit juice o nilagyan ng additional sweetener, at mga inumin na may caffeine.

Read more...