ANG daming nag-react sa request ni Senate President Tito Sotto na tanggalin na sa website ng Inquirer ang controversial rape story ni Pepsi Paloma.
With that, nabuhay sa memory ng 50 something ang nakaraan. Lalong umingay ang rape case ni Pepsi. Ang natatandaan namin, nasa headline ng isang tabloid noon ang photo ni Pepsi at ng tatlong komedyanteng sina Joey de Leon, Vic Sotto at Richie ‘D Horsie at nakalagay ang “I’m sorry” sa headline.
Here’s the netizens’ reaction on the issue.
“Natatandaan ko itong Pepsi Paloma issue na ito noong bata pa ako. At the time, hindi naman lumabas ang pangalan ni Tito Sotto. Grabe ang iskandalo noong time na iyon at may mga pictures pa na lumabas.”
“Well, thanks to Google this issue will never ever be forgotten. Binuhay pa nga ng ating good and respectable senator. Perhaps justice will ultimately be served – in whatever form it may be. If you’re truly innocent to a crime you’re being implicated, wouldn’t you be bold as a lion in defending your innocence?! Bakit ka magpa public apology?”
“Issue pa rin ba itong urban legend na ito na hindi mamatay matay?” ask ng isang idiot.
“Hindi ito urban legend. Nasa news ito dati. Nagpakamatay si Pepsi Paloma. May naiwan pa nga siyang ampon niya. Baby pa at that time,” pasupalpal na sagot ng isang guy.
Naging isa sa top trending topic sa social media ang pangalan ni Pepsi Paloma dahil sa request ni Tito Sen sa Inquirer.net.