Fan ng K-Pop group tinarayan si Anne: Kapal ng mukha mo!

ANNE CURTIS

ISANG netizen ang nambasag kay Anne Curtis ma-tapos mag-tweet ng mensahe tungkol sa sikat na K-Pop group na BLACKPINK. Sinabi ng TV host-actress kung gaano niya ka-love ang bagong music video nilang “DDU-DU DDU-DU.”

“OMG BLACK PINK’S NEW MV IS ALMOST THE SAME FEELS AS MY CONCERT POSTER. DYING OF KILIG!!!!” sabi ni Anne.

Tuwang-tuwa naman ang iba pang Pinoy fans ng BLACKPINK kay Anne ngunit may isang netizen ang nambasag sa aktres.

“Kapal ng mukha mong palabasing kinopya ng Blackpink yung poster ng concert mo. Dying of kilig ka pang nalalaman, nyeta ka,” ayon kay @NanayR3dg3.

Ito naman ang sagot ni Anne, “Haha girl. That’s not what I meant. Hindi pa mga lumalabas ung poster ko. So paano ko pwede sabihin na gayahin. I’m just sa-ying kilig kasi ALMOST same feels sa smoke. Get your facts straight first & intindihin ung post ko bago ka rat rat ng rat rat dyan sis. And I, thank you.”

Read more...