2 momshie wagi ng house & lot mula sa Magandang Buhay

DALAWANG buhay ang mas gaganda pa dahil sa bagong bahay na handog sa kanila ng Magandang Buhay at Bria Homes.

Wagi ng bagong house and lot ang momshies na sina Cely Sanchez at Francisca Tinaytina sa “Magandang Buhay Magandang Bahay” promo at mapalad na napilli ng programa bilang bahagi ng ikalawang taong pagdiriwang nito.

Sa 4,000 na nagpadala ng kanilang entry, ang kwento nina momshie Cely at momshie Francisca ang napili dahil sa kanilang challenging at inspiring stories.

Bukod sa pamimigay ng house and lot, ipinagdiwang din ng Magandang Buhay ang kanilang ikalawang taong selebrasyon sa espesyal na adventures sa Bohol at Cebu at sa family day na isinagawa sa Rave Park sa Pasig. Patuloy na manood ng Magandang Buhay hosted by Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. sa ABS-CBN.

Read more...