Magnitude 5.2 na lindol naramdaman sa MM at karatig na probinsya

NIYANIG ng magnitude 5.2 lindol ang Metro Manila at mga karatig na probinsya ngayong hapon.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-5:46 ng hapon.

Ang sentro nito ay 57 kilometro sa kanluran ng bayan ng San Felipe sa Zambales.

Naramdaman ang Intensity IV sa San Felipe, Zambales.

Intensity III naman sa Cainta, Rizal.

Intensity II sa Quezon City, Pasay City, Mandaluyong City.

Read more...