3 sugatan matapos bumangga ang isang boulder sa isang SUV sa Kennon Road sa Baguio

SUGATAN ang tatlong pasahero, kabilang ang dalawang nata matapos gumulong pababa ng bundok ang isang boulder at tumama sa isang sports utility vehicle (SUV) na bumibiyahe sa kahabaan ng Kennon Road ganap na alas-11:15 ng kaninang umaga , ayon sa pulisya.

Nagtamo si Ginaly Cadap at kanyang dalawang anak, na sina Zech, 2 at Xiehl, 4 ng bahagyang mga sugat at dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center para magamot.

Hindi naman nasugatan ang mister na si PO2 Jefferson Cadap, na siyang nagmananeho.

Nakaranas ng mga pag-ulan ang lungsod.

Isinara ang Kennon Road sa trapiko habang inaalis ang payloader mula sa kalsada, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Read more...