Madlang pipol pinakilig ng viral video nina Liza at Enrique

LIZA SOBERANO AT ENRIQUE GIL

Muling pinakilig ng Bagani stars na sina Liza Soberano at Enrique Gil ang kanilang mga fans matapos mag-viral ang kanilang video na naglalaman ng kanilang “intimate moment”.

Ipinost ni Enrique sa kanyang Instagram Stories ang isang video clip kung saan makikita si Liza sa iba’t ibang expressions gamit ang animated face filter app. Tinawag pa niyang “My bubu beaw” ang kanyang ka-loveteam.

Sa isang bahagi ng video, hinalikan ni Liza sa pisngi ang binata na ikinagulat nito. Hindi siguro niya inasahan na hahalikan siya ng kanyang rumored girlfriend sa harap ng kanilang mga followers.

Agad ni-repost ng mga LizQuen fans ang nasabing video hanggang sa ito’y mag-viral. Libu-libong views at comments ang nakuha nito kaya naman trending topic din ito sa social media.

Samantala, mas matitinding hamon ang haharapin nina Lakas (Enrique) at Ganda (Liza) sa mga susunod na episode ng Bagani sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Alamin kung paano muling mabubuo ang mga bagani para tuluyang mapatay si Sarimaw (Ryan Eigenmann).

Read more...