Maine nagpaka-Concert Queen Sa Bulaga; pinaiyak ang mga fans at dabarkads

MAINE MENDOZA AT BROADWAY BOYS

PASIKLAB ang third anniversary celebration sa showbiz ni Maine Mendoza. Imagine, natoka siyang magkaroon ng mini-concert kasama ang Broadway Boys sa concert series ng Eat Bulaga kahapon.

First time ginawa ito ni Meng na pagdating sa pagkanta ay walang masyadong tiwala sa sarili, huh! Eh game naman siyang subukan ang ganitong challenge sa kanyang career kaya naman maaga siyang gumising kahapon.

Bago siya pumagitna sa concert stage ay nagpasalamat na agad si Maine sa kanyang fans through Twitter, “OMG grabe thank you guys! Sana magustuhan niyo pero sana hindi niyo ako itakwil kapag nagkalat ako. Lolz.”

Maaga namang sumugod sa Broadway Studios ang fans ng Phenomenal Star para makita siyang muli in person.
Kadalasan kasi ay nasa mga barangay siya para sa Sugod Bahay segment ng noontime show kaya 5 a.m. pa lang, abangers na ang fans sa pagdating niya sa Broadway.

Sa Twitter PH, pumalo agad sa top spot ang hashtag na #MaineSingWithBWBoys with more than 1.23 million kaya hindi imposibleng mag-number one din ito worldwide. Marami naman ang naiyak sa pa-concert ni Meng at proud na proud sila sa nag-iisang Dubsmash Queen.

Read more...