Jolo may bonggang regalo kay Bong

JOLO REVILLA AT BONG REVILLA

Na-touch naman ang mga followers ni Vice-Governor Jolo Revilla nang ialay ng binata ang kanyang college diploma sa kanyang amang si former Sen. Bong Revilla na nakakulong pa rin ngayon sa Camp Crame.

Graduate na ang actor-politician ng Bachelor of Arts in Legal Studies sa Lyceum of the Philippines.

Mensahe ni Jolo, “This is my first college degree, kasi nagtrabaho tayo nang maaga, nagkaroon ng anak sa pagkabinata. Ito ‘yung pinakamagandang regalo na mabibigay ko sa ama ko at sa lolo ko.”

Read more...