MAINIT pa ring pinag-uusapan ang diumano’y tangkang pagpapakamatay ni Cong. Benjo Benaldo na natagpuang duguan sa kanyang opisina sa Congress noong Huwebes ng gabi. Nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib ang kongresista.
Mismong ang mga security personnel at ilang staff ng Kongreso ang nagsugod kay Benaldo sa New Era General Hospital kung saan din agad na sumugod ang House Speaker na si Cong. Sonny Belmonte at iba pang kasamahan niya sa Kongreso.
Mabilis ding nakarating sa ospital si Daiana Menezes, asawa ng kongresista na panay ang pag-iyak nang malaman ang nangyari sa kanyang mister. Panay din ang tanggi nito sa mga reporter na nagsuguran sa New Era.
Balitang nailipat na rin sa ibang ospital for some privacy reasons ang Kongresista na natalo last elections at nag-goodbye na nga sana sa kanyang opisina at staff that Thursday night, pero naganap nga ang hindi inaasahang pangyayari.
Ayon sa inisyal na report, solo lang sa kanyang kuwarto ang kongresista nang marinig ng mga staff niya ang pagputok ng baril at nang makita nga nila ay nakahandusay na ito, duguan at may katabing 9mm pistol.
Matatandaang matindi ang inabot ng mag-asawa, lalo ni Daiana sa mga netizens at print media nang humarap sila sa mga inteviews at sagutin ang mga isyu hinggil sa umano’y domestic and marital problems nila.
Bukod kasi sa punumpuno daw ito ng inconsistencies at butas, eh sadyang nakaka-praning ang papalit-palit ng statements ni Daiana.
Ang ending tuloy after ngang lumabas ang balita noong Thursday, hayun, imbes na makakuha ng simpatya mula sa mga kababayan natin ang mag-asawa, ay tila mas marami pa ang umokray sa kanila.
Sabi nga ng iba, may kakambal kayang malas si Daiana o sadyang lapitin lang siya ngayon ng kontrobersiya kaya pati ang asawa niya ay nadamay na? Tsk, tsk, tsk.