Kylie balik-akting sa The Cure, game na game sa aksyon

KYLIE PADILLA

NAGPASILIP na si Kylie Padilla ng pagbabalik niya sa TV screen. Sa Kapuso series na The Cure muling mapapanood ang partner ni Aljur Abrenica base sa post niya sa Instagram.

Wala pang detalye kung magiging kakampi ba o kaaway si Kylie sa buhay nina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez.

Nagbunyi siyempre ang fans ng anak ni Robin Padilla lalo na’t may mga gagawin din siyang action scenes sa The Cure.

Gustung-gustong gawin ni Kylie ang mga ganoong eksena dahil mahilig sa stunts at maaaksyong eksena ang aktres.

Ayon sa ilang followers ni Kylie, kung may Angel Locsin ang ABS-CBN na magaling din sa aksyon, meron namang Kylie na panlaban ang Kapuso Network, huh!

q q q

Mas nauna pang makasama ni Inah de Belen si Gabby Concepcion kesa sa ina niyang si Janice de Belen.

Of course, alam naman ng lahat na nagkaroon ng relasyon sina Janice at Gabby nu’ng panahon ng kabataan nila. Pero kay Aga Muhlach nagkaroon ng anak si Janice.

Tampok ngayong gabi sa Magpakailanman sina Gabby at Inah para sa Father’s Day special ng programa. Gaganap silang mag-ama at base sa TV plug ng drama anthology ng GMA, nakipagsabayan si Inah sa pagdadrama kay Gabby.

Read more...