HANDANG-HANDA na si James Reid sa bagong hamon sa kanyang showbiz career. Ang tinutukoy namin ay ang pagganap niya bilang bagong Pedro Penduko sa big screen na ginampanan noon nina Janno Gibbs and Matt Evans.
Kamakalawa ay pormal nang ipinakilala si James bilang bida sa modern version ng “Pedro Penduko” sa ginanap na mediacon sa Cignal Headquarters sa Mandaluyong City. Present dito ang mga bossing ng Viva Entertainment na sina Vic at Vincent del Rosario, Epik Studios President Paul Alexei Basinillo at Cignal TV President/CEO Jane Basas na magsasanib-puwersa para sa nasabing proyekto.
Balitang naglaan ng P100 million na budget ang tatlong producers para sa napakalaking pelikulang ito ni James kaya naman aminado ang binata na grabe ang pressure na nararamdaman niya ngayon.
“But aside from the pressure, it’s really a huge honor to be playing Pedro Penduko, which is a Filipino superhero. It’s just not a superhero movie, it has social relevance,” chika ni James nang makausap ng ilang entertainment press after ng presscon.
Ang millennial version ng “Pedro Penduko” ay sa direksyon ni Treb Monteras II, ang nagdirek din ng pelikulang “Respeto” na pinagbidahan ng Pinoy rapper na si Abra.
Kinumpirma rin ni James at ng mga producer ng “Pedro Penduko” na makakasama rin sa movie si Nadine Lustre na gaganap naman bilang si Maria Makiling, na nakatakda ring gawing full-length movie ng Epik Studios at Viva Films.
“Yes, she will be part of Pedro Penduko and I know she always wanted to be in an action film and I think it’s perfect for her. Nadine is sexy so she’d be able to show it off in Maria Makiling,” sey ni James.
Ang tanong ng mga JaDine fans, magkakaroon ba ng ibang ka-loveteam si James sa superhero movie na ito na nakatakdang ipalabas sa April, 2019? “I don’t think there’s a new love team. Just relax, we’ll be giving you what you want, we’ll be giving you what you need.”
Nasa pre-production stage na ang “Pedro Penduko” at ngayon pa lang ay nagte-training na si James para sa kanyang mga actions scenes at buwis-buhay na stunts.
Ayon kay Direk Treb Monteras, “I don’t want to copy iyong ginagawa nu’ng ibang bansa. Kasi ang dami nating stories dito sa atin mismo. Sa istorya pa lang, kahit na walang CG or action sobrang busog na.
“And for this film, nakikita namin siya na ganoon. Hindi siya iyong typical superhero movie na papanoorin mo lang because of the effects and the action. Itong movie na ito, may mensahe,” aniya pa.
Inihayag din ng mga producer na si Pedro Penduko ang magsisimula ng mala-Marvel Cinematic Universe sa Pilipinas.
Bukod kasi sa “PP”, marami pang gagawing Pinoy superhero movies ang Epik Studios, Cignal at Viva kabilang na nga riyan ang “Maria Makiling”, “Totoy Bato”, “Bernardo Carpio”, “Osyana” “Habagat” at marami pang iba na magkakakonekta ang kuwento tulad ng mga Marvel superheroes.
q q q
Kahit wala pang pahinga ay dumiretso agad si James Reid sa presscon ng “Pedro Penduko” mula sa pagbabakasyon nila ni Nadine sa Amerika. In-enjoy daw talaga nila ng kanyang girlfriend ang mga tourist spots sa Joshua Tree, California.
Sa Instagram account ni Nadine, usap-usapan ang kanyang latest bikini selfie photo pati na ang jacuzzi scene nila ni James.
Natanong ang binata kung hindi ba niya pinagbabawalan ang kanyang dyowa sa pagpo-post ng mga seksing litrato sa social media.
“No, not at all. She’s comfortable with her own body, e,” tugon ni James.